Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto tungo sa Pananliksik
Pahina: 32 - 42
Tesktong Impormatibo (Ekspositori)
• Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon
Kadalasang sinagagot ang mga batayng tanong :
Ano
Saan
Paano
Kalian
Sino
Pangunahing layunin
• Magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagtpuan sa tunay na daigdig.
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa tunay na pangyayari.
Tiyak na halimbawa:
Biyograpiya
Mga impormasyon na matatagpuan sa disyunaryo
Encyclopedia
Almanac
Papel-pananaliksik sa mga journal
Siyentipikong ulat
Mga balita sa diyaryo
Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke Baldine (1990)
“The Reading crisis : Why Poor Children Fall Behind “
• Ang kakulangan na patuturo ng mga tesktong impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba ng komprehensiyon o kakayahang umunawa ng ganitong teksto ng mga mag aaral
Ginagamit ng manunulat na pantulong upang gabayan ang mambabasa.
• Talaan ng nilalaman
• Indeks
• Glosaryo
• Mga larawan at ilustrasyon
• Kapsyon
• O iba pang palatandaan para sa mga larawan
• Graph
• Talahanayan
Uri ng tekstong impormatibo depende sa estrukrura ng paglalahad
• Sanhi at bunga
• Pahahambing
• Pagbibigay-depenisyon
• Paglilista ng klasipikasyon
Sanhi at Bunga
- Nagpapakita ng pagkakaugnay – ugnay ng mga pangyayari at kung paano ang kinalabasan ng naging resulta ng mga naunangf nangyari
- Ipinaliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pukus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
Hal. Pagkaubos ng Yamang-dagat sa Asya
Paghahambing
- Kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto o pangyayari.
Hal. Sistemang Politikal ng sinaunang Asya : Tsina bilang Gitnang kaharian at banal na pamamahala ng mga Emperador sa Japan
Pagbibigay-Depenisyon
- Ipinapaliwanag ng ganitong uri ang kahulugan sa isang salita, termino, konsepto
- Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugan denotatibo o konotatibo
Hal. Imperyalismo
Paglilista ng Klasipikasyon
- Ay kadalasang naghahati-hati ngisang malaking paksa o ideya sa iab’t-ibangkategorya o grupo upang magkaroon ng Sistema ang pagtatalakay.
- Nagsisimula ang manunulat sa pagtatalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos ay bibigyan-depinisyon at halimbawa ang iba’t-ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito.
Mas madaling nauunawaan ang kahulugan ng isang teksto kung agad na nakukuha ng mambabsa ang ginamit na padron o estruktura
- Mahalagang hasain ng isang mahusay na mambabasa ang ikatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo. Ang kakayahang ito ay ang pagpapagana ng mga imbak na kaalaman, pagbuo ng mga ng mga hinuha , at pagkakaroon mayamang karansan.
Pagpapagana ng imbak na kaalaman
- May kinalaman sa pag-aalala ng mga salita at konseptong dati nang alam na ginamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.
Pagbuo ng hinuha
- May kinalaman sa pagbasa ang bahagi ng teskto na hindi gaanong malinaw sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa iba pang bahagi na malinaw.
Pag-kakaroon ng mayamang karanasan
Iwai (2007) Estrhiya kung papaano mahasa ang kakayahan.
• Tinutukoy niya na mahalaga ang pasasanay sa pagkilala ng iba’t-ibang panandang diskurso o salitang pangtransisyon .
• Pagtukoy sa paraan ng organisasyon ng mga impormasyon sa teksto.
Comments
Post a Comment